www.flickr.com

Mga Kagaguhan na Ginawa namin sa FEU

Friday, January 22, 2010 Posted by Glenn Von Posadas

8:30 ~ 9:30 - Pumunta ng Library upang masterin ang Inverse Matrix without using calculator. At sinagutan ang mga takdang aralin upang wala ng abala.
10:30~11:30 - English class. Wala ang mga Koreans.
11:30~14:00 - Physics. May bagong lesson. 20 minutes tapos. Ito ay ang anti derivatives. Nagbilad sa araw upang makagawa ng experiment.
14:30-15:30 - kumain. Yum Yum!

----------------------------

16:00 - Kaming magkakabarkada ay nasa LRT. Siksikan. Saktong huminto ang pintuan ng tren sa tapat namin. Pasukan. Parang Trip to Jerusalem. Masaya. Mahuli may tae sa puwet. Daming tao. Nakaupo kami. Walang Gentle-gentle man ngayon mga sis. May magsiyota sa gilid namin malapit sa pintuan. Dumami na ang tao habang tumatagal. Yung babae, napangiti sa akin, ewan ko ba! Napansin niya atang alam kong nahihipuan na siya. Sa una hindi ko alam na bf nya pala yung nasa likuran niya. Ngiti na lamang ang babae sa akin nang mahuli niya ang mga mata ko. Cute siya. Pero hindi maganda. Kunwari pa ang lalaki na nagagalit kasi may nasisiksik siya. Uloks mo. Sarap na sarap ka nga e.

16:30- Nasa FEU na kami. Nasa labas palang. Naghahantay ng himala. Gago yung guard e. Kung minsan, hindi ko maget ugali ng mga yan. Lalo na mga pulis. Ni minsan wala pa akong nakikitang mabait na pulis.

Yung mga kasama ko, lalo na si... itago na lamang natin siya sa pangalang Nito. Kasi yun ang totoo niyang pangalan, grabe kung makatingin sa mga babae sa FEU. Tinitingnan mula ulo hanggang paa. Sabi ko nga, ang gaganda ng mga babae dun. Madami. Kumpara sa UE, ang mga magaganda maaaring mabilang sa daliri. Swabe mag-aral dun. Dun dapat ako mag-aaral pero after ko maipasa ang walang kwentang Entrance Exam sa UE, tinamad na akong mag try sa ibang Universities.

Ang dami kong nakikitang magagandang babae dun.

20:00 - Nakapila ako para bumili ng ticket para sa pagsakay sa jeep biyaheng heaven. Eh nung makita ko yung babae na maganda parang papalabas na ako ng Earth e. How much more nung nakatabi ko siya sa Jeep.? Excuse me ho, di ako nangangarap. Alam ko limitasyon ko. Isa nga lang ang prinsipyo ko sa pag-ibig e. (pag-ibig nga ba ito? correct me if I'm right.) "Hindi ako nagagandahan at hindi ako nagkakagusto sa mga babaeng alam kong hindi ako uubra."

20:15 - Pababa na kami. Nanggigigil na ako sa Jeep. Oops. Di ako manyakis. Ganda e. Actually, high school pa lamang siya. And so? eh 15 years old pa lamang ako. Joke. Nung mga oras na ito, gusto ko nang bumulong ng "miss, bigay mo number mo sa akin, kundi papasalvage kita." joke.

20:20 - Nasa Jollibee. Nakita ko yung mga pulubi sa labas ng Jollibee pinagtitripan ang matabang babae na kumakain.

21:00 - Andito na ako sa bahay. Tapos!

Hanggang tingin muna sa ngayon. Tama na muna ang nakaraan :]. Takot ma-reject

glenn von

Author: Glenn Posadas

20 year old 5th year Computer Engineering Student, a blogger, photographer, programmer, and an electronics hobbyist; a Christian who loves God very much..

Sharing is so Easy:
StumpleUpon DiggIt! Del.icio.us Blinklist Yahoo Furl Technorati Simpy Spurl Reddit Google Twitter FaceBook

Labels: ,
  1. mababait pa ba ang mga sikyu?

  2. ha? hehe...
    ewan ko. mababait sila sa mga seksi

  3. ilang beses mu ba inulit at pinagusapan ang salitang babae sa post mu ngayon ah..?haha..ganun siguro talaga ang life..haha

    ang hab ng post mu..diary..? joke lang..pero binasa ko naman sya ng buo..hmm..ganun ba talaga sa FEU..?

    hmmpp..UE pa din ako..no matter what nu :P beeellaaatt!

  4. Wow! all in a day's work ... nandun na lahat .... ano bang inaaral mu? Sorry darling glenn, maraming anak si mama ... bz jud kaayo!

Post a Comment

Drop a comment. Thank you guys!