www.flickr.com

Sa Aking Pagtanda (30 Taon Mula Ngayon)

Thursday, January 28, 2010 Posted by Glenn Von Posadas

Namulat ako na may mga muta pa sa aking mga mata. Ako ay nagtataka kung bakit malamig sa buong bahay. "Hindi na bale", wika ko. Tumungo ako sa banho at umihi. Nagulat ako dahil sa isang malaking bathtub na-shoot ang ihi ko. Dalian akong naghilamos at nagsipilyo upang magising ang buong diwa ko.

Lakas loob akong humarap sa salamin na napakalaki. At tumindig ang mga buhok ko sa buo kong katawan. Pati sa ibaba, sa mga binti ko, lahat ay nagsitayuan. Nakita ko ang aking sarili. "Aba! Mamang-mama na ako at ang gwapo ko naman!". Nasambit ko. "Teka nga, masilip nga ang kalendaryo". Nang makita ko ang petsa, Martes, ika-14 ng Pebrero taong 2040.

Paglabas ko ng bahay, "WOOW!" Dalawang letrang o sa salitang wow ang aking naibulong. Tinawag akong daddy ng dalawang bata. Maganda at ang gwapo. Hindi na ako nagulat sa nangyaring iyon. PEro ang nakapagpanginig sa katawan ko ay nang narinig ko ang "Honey, Halika Dito!". Pa-cute na sigaw ng isang babae. "Aba! Ano ito? Hindi ba't siya ang pinagnanasaan ko noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang?". Lumapit ako sa kanya at nakatikim ako ng isang yakap. "Haay Sarap!" Hindi nagtagal ay pumasok na kami sa aming malaking bahay na fully-airconditioned. Pasimple akong naglibot sa mala-mansyon naming tahanan na kunwa'y kabisado na ang pasikut-sikot dito. Namangha ako dahil isa pala akong mataas na empleyado sa isang malaking kompanya ng anti-virus. At ang isa pa, napag-alaman ko na beterano pala ako pagdating sa photography. "Aba! Astig!". Wika ko.

"Ay oo nga pala, ngayon ay ika-14 ng Pebrero, nagtataka ako kung bakit idineklara ni Noynoy Aquino Jr. na non-working holiday ang araw na ito." Naramdaman ko ang tuwa. Napakasaya pala kapag nakatapos ka at lumaki kang ang estado ng buhay mo ay nakaaangat. At dagdag mo pa kung maganda ang iyong asawa.

Malalim na ang gabi. Nasa kuwarto na ang mga batang sila Glenda at Glenn Jr. Hindi ko pa din maisip kung ano talaga ang nagyayari. Naramdaman ko na lamang ang mainit na yakap ng aking asawa. "Ay oo nga pala! May asawa na pala ako." bulong ko na may kahalong tawa. Valentine's Day pala ngayon kaya ganito ang ikinikilos ng babaen ito. "Honeymoon tayo", malambing na sambit niya. At nang akmang hahalikan na niya ako, biglang ... Blaaaag! Aray! Nahulog ako mula sa aking higaan. Panaginip lang pala ang nangyari.

Ang sarap sa pakiramdam na may ganoong buhay. Kahit panaginip lang iyon, ay sisiguraduhin ko na magiging Computer Engineer ako at bihasa sa photography.


Wala lang. May maipost lang. Nagtype within 5 mins. Haha! 25/25 ako dito. Yabang ko talaga :]]. hahah. Note ni ma'am :May angking galing sa pagsulat! (di nga?) hehe.
oi ah, 25/25 din ako sa unang sulatin. Ayaw ko lang ipost dito. ^^

glenn von

Author: Glenn Posadas

20 year old 5th year Computer Engineering Student, a blogger, photographer, programmer, and an electronics hobbyist; a Christian who loves God very much..

Sharing is so Easy:
StumpleUpon DiggIt! Del.icio.us Blinklist Yahoo Furl Technorati Simpy Spurl Reddit Google Twitter FaceBook

Labels: ,
  1. wow..natype mo to withi five minutes????? 0.O!!
    di nga? sugoi desu ne!

    ambilis mu naman magtype..

    -whew-

    anyway..dun sa post mu..hmm..it is so like you haha..natawa ako sa pangalan ng mga magiging anak mu..glenda at gen jr..wahaha..:P

    grabe ah..nag enbdorse ka pa ng magiging pangulo..ahaha

    nga pal..sa susunod ko na aasikasuhin yung GA ko..busy na ako dahil sa mga midterm exams eh..

    (P.S. if you'll reply to this comment..pls. put it in my blog's comment box so that i can update my comments :D)

  2. aba, nagtiyaga ka pang basahin yung post q. hahah~.
    oh cge. ako meron n q Adsense. meet nalang tayo bukas. hihihi~. .
    after midterm exams gawa ka na agad. ok?
    imy

  3. ou gagawa na po ako (>w<)


    natawa ako ah..haha...ang galing mong mag-spanish(tama ba..?)anu yan GOOGLE TRANSLATE..? hehe..anday mu dapat nagbabsa ka din ng post ko..weeeeee...^_^

Post a Comment

Drop a comment. Thank you guys!