www.flickr.com

Paano malalaman kung Siya na nga ang para sayo?

Thursday, October 18, 2012 Posted by Glenn Von Posadas

Ok! So another tagalog post of mine, wahahaha. Ang dami kong additiona tags sa ibaba.
So, paano nga ba natin malalaman kung karapatdapat siyang mahalin at kung siya na nga ba ang makakasama natin sa buong buhay natin, siya na nga ba ang papakasalan natin at kung iiwan ba niya tayo o hindi?

Kung mapapansin niyo sa logo dito sa gilid, it says here: "LOVE, 100% PURE. MADE TO LAST"! aw! Meaning, kapag pala 100% pure ang pagmamahal mo, ito ay certainly, garantisadong tatagal. Hindi lang tatagal, pang habang buhay na! Tama ba ako? Katulad ng pagmamahal ng Diyos satin, alam niyo, kahit gaano tayo makasalanan, mahal niya pa rin tayo. Lets put it in this way: Suppose, may nilikha tayong robot, pero hindi ko sinabing robot tayo ng Diyos, He gave us a free will, pwede natin siyang talikuran o sundin. Yan, kunwari creator tayo ng robot, ngayon, kahit gaano pa karami ang sira ng robot na yan, hindi siya perpekto of course, katulad nating mga tao, kahit talikuran ka niyan, masasabi nating mahal natin yan. bakit? kasi siya ay likha natin.

Ngayon, bakit sinesend o isesend ni God ang mga mahal niya palayo sakanya like sa impyerno? Kahit mahal na mahal niya tayong mga tao at yung mga nasa impyerno, hindi niya ginusto yun. Tumalikod sila kay God so wala siyang magagawa, kasi ginamit nila ang free will nila, kaso sa maling paraan, walang magagawa si God kundi gawin yun. Ikaw kunwari, may girlfriend o boyfriend ka, mahal na mahal mo siya, tapos hindi ka naman niya mahal, alam mong hindi ka niya mahal at hindi siya naniniwala sayo, kakayanin mo bang patuluyin pa siya sa bahay mo? Certainly not. :)

okay, so nalalayo na po tayo sa mismong topic ng post kong ito. hahaha.

Paano nga ba natin malalaman kung, ay, siya na nga. Siya na nga ang binigay satin ni God.

May plano na kayo sa future nyo.
Yung tipong, araw araw, yung future niyo as husband and wife ang ginagawa niyang inspirasyon sa work niya or sa studies niya. :)
Oo nga pala no, disclaimer lang, ang mga nakasaad dito ay mga opinyon ko lang. :)
So ayun, katulad ko, yung future namin as magasawa (kami ng gf ko) ay yung isa sa mga hinuhugutan ko ng lakas sa araw araw, lalo na ngayong sem break, lilipat ako ng school. hehehe.

haay, ayaw ko na nga magbold ng phrases. hahaha. Basta, basahin niyo nalang ito ha.
Kung iniisip niya na yng pagpapakasa niyo, aba, senyales na yun ng tunay na pagmamahal. heheh. para sakin lang ha.

O sige ganito nalang, sasabihin ko sainyo mga nagbago sakin, yung mga rason na sa tingin ko bakit ko nasasabi na siya na talaga ang papakasalan ko at kung pano ko nalaman kung siya na talaga.

Ganito kasi yun, katulad nga ng nabanggit ko sa last post ko bago ito, dati, ang panagarap ko lamang ay magpayaman ng magpayaman, magpakasal sa ganito, magpakasal sa isang mayaman at super ganda at sexy na babae. Diba mga medyo impossibleng mga pangarap at napaka-makamundo? hehe.

So ayun, since nakilala ko itong babaeng ito, hindi ko na muling inisip yan. :) So alam kong siya na talaga.


Alam niyo ba na dati, bago ko siya nakilala, kapag nakikipag-date ako, kapag naamoy ko lang na mabaho hininga ng crush ko o kahit sino pang babae na nagagandahan ako, aba, super turn off na ako. ok bahala ka na sa buhay mo dyan, bla bla bla. hahaha. Kapag nakikita kong may muta siya, eewww. kadiri. Turn off na. Kapag nakita kong may kulangot, eew. ok turn off na ulit. hahaha.
Pero ngayon, nung nakilala ko sya, wala ng turn off turn off. Aw! Super mahal ko talaga itong babaeng to! kahit tumae pa siya sa harap ko. hahah. kahit bagong gising, hahalikan ko siya
Why? because I simply love her <3 .="." p="p">Kapag may muta siya, ako nagtatanggal. Hindi ako natuturn off. At kahit kailan hindi ako naturn off sakanya.
Kapag may kulangot siya, ako nagtatanggal. :)

Alam nyo, ininterview ko yung kaibigan ko, mag 5 months na sila, kame 4 months palang. hahaha. :) Sabi ko: "may plano na ba kayong magpakasal?" Siyempre kabatch ko sila. 4th year college palang kami nung babaeng yun. Sabi niya: "ineenjoy pa namin ang isat isa". :) Pwede din. Pero ang pangit ng sagot niya para sakin. :) Alam ko namang mahal niya yung best friend ko na bf niya. Pero mas maganda pa din kung isasagot niya ay: "oo naman." :) Diba?

Malalaman mo kung siya natalaga kapag hindi siya nagsasawa sayo. or Hindi kayo nagkakasawaan, alam nyo ba dati talaga, 1 week palang, sawa na ako e. Ayaw ko na. Break na. Bahala ka umiyak, buhay mo yan. E ngayon? Hindi ko siya pinagasawaan. Grabe! Siya na may hawak ng record! AW! Siya na ang pinakamtagal ko na naging gf so far.


Malalaman mo din na kung siya na talaga, kapag hindi siya naglalandi sa facebook. :)
At buo ang tiwala nyo sa isat isa. Kapag may pumorma sakanya, hindi kagad ang sagot niya. Hindi siya nageentertain ng ibang boys like my gf. :) hehehe
Hindi siya pumoporma sa iba.

dagdag ko lang, heheh, I once had a girl, this girl is quite a beautiful one. Sexy, maputi at habulin ng mga lalaki. I was very proud to have her, she is someone whom everyone could boast for. Gustong - gusto ko yung mga times na nagsusuot siya ng maiikli para kainggitan ako ng mga pesteng lalaki. Do you think that's love? No. No indeed. Ngayon, may girlfriend ako, ayaw ko yung feeling na dadaan kami, kahit alam na nga ng mga lalaki na kasama niya ang boyfriend niya, e titingnan pa din. Hindi ko siya pinagsusuot ng mga ganito kasi kung mahal mo ang isang tao, isipin mo palang na pagnanasaan o mababastos siya ng ibang tao, e masasaktan ka na. :)


Isa pa, kapag pinakilala ka niya sa magulang niya, lalo na kung una at huli ka niyang pinakilala, aba, isa na din itong magandang senyales na siya na nga! hahaha.

Isa pa ulit, kapag iniiyakan ka niya. :P blehhh.

Last, kapag pinakilala ka niya sa Diyos! Boom! :)



additional tags: paano malalaman kung mahal ka niya, talaga, ; paano malalaman kung siya na talaga?; paano ko malalaman kung siya na talaga?; paano mo malalaman kung siya na talaga?; paano mo malalaman kung siya na talaga ang para sayo?; paano natin malalaman kung siya na talaga ang tinadhana para sayo?; paano ba malaman kung siya na talaga ang makakasama mo sa buong buhay mo?; paano ba malalaman kung mahala ka nga ba niya talaga?; paano ka makakasiguro na mahal ka niya?

glenn von

Author: Glenn Posadas

20 year old 5th year Computer Engineering Student, a blogger, photographer, programmer, and an electronics hobbyist; a Christian who loves God very much..

Sharing is so Easy:
StumpleUpon DiggIt! Del.icio.us Blinklist Yahoo Furl Technorati Simpy Spurl Reddit Google Twitter FaceBook

Labels: ,
  1. Agree ako sa last part.. kapag pinakilala ka niya kay God... at syempre sa family niya...

    Malalaman mo siguro kapag nalaman mo na ang lahat ng tungkol sa kanya... basta... mararamdaman mo lang un... ung feeling na sasabihin mo.. siya na ang binigay ni God...

    Hehehe... Nice POst....

Post a Comment

Drop a comment. Thank you guys!